Wednesday, June 28, 2023

5 Appliances At Home na Maaaring Magamit sa Negosyo!


Naghahanap ka ba ng pwedeng dagdag na pagkakakitaan? Alam mo ba na ang isa sa pinakamahalagang puhunan ay posibleng nasa bahay mo na? Maraming gamit at appliences na posible mong gamitin panimula ng negosyo!

Here are some appliances na madalas ay nasa bahay na natin na pwedeng maging puhunan para sa patok na negosyo pang masa!
1. Freezer


Kung naghahanap ka ng must-have appliance na pwede gamitin sa iba’t ibang negosyo, maaari kang mag-invest sa isang freezer! Whether you have a small freezer built-in your ref, o mayroon ka ng malaking chest freezer, maraming pwedeng pagkakitaan gamit ang appliance na ito.

  • Ice Candy
Siguradong patok ang mga palamig at ice candy na saktong sakto tuwing summer. Kailangan mo lamang ng ice candy plastic wrappers, flavored juice, o chocolate drink! Sa murang halaga na P500, kaya mo nang magsimula ng small business right at home.

  • Frozen Goods
Kung mayroong maluwag na espasyo ang inyong freezer, siguradong swak na negosyo ang pagiging retailer ng frozen goods. Maghanap ng garantisado at mapagkakatiwalaan na supplier ng frozen products sa inyong lugar. Ilan sa mga siguradong produkto ay tocino, longganisa, hotdog, at merienda items tulad ng fishball at kikiam.

2. Oven


Simulan ang iyong sweet story of success gamit ang iyong oven! Maraming online resources at tutorial kung paano simulan ang baking at pastries business. Karamihan sa kumikita ngayon bilang home baker ay nagsimula lamang na passion at hobby ang baking.

Kahit ang standard size na oven ay sakto na para sa makapag produce ng ilang batch ng cookies at cupcakes sa isang araw. Popular ang mga ito bilang giveaway sa birthdays, weddings, at iba pang occasion.

3. Washing Machine


Sipag, tiyaga, washing machine, at dryer lang ay sapat nang puhunan para sa bagong negosyo! Maraming mga household ngayon ang pinipili na lamang mag avail ng laundry services para iwas hassle at mas gumaan ang schedule. Pwede kang mag-offer ng laundry and ironing services sa iyong mga kapitbahay.

Kadalasan ay per-kilo ang singil sa laundry services. Kung heavy-duty ang inyong washing machine, marami rin ang tumatangkilik ng laundry services ng mga sheets, curtains, at iba pang heavier linens.

4. Computer


The possibilities are endless pagdating sa pagkakakitaan gamit ang iyong computer. Marami ngayon ang pinipiling mag-improve at mag-aral ng kanilang computer skills (editing, writing, at iba pa) dahil isa ito sa mga pinaka patok sa job market! Ito ang ilan sa mga pwede mong negosyo at hanapbuhay gamit ang iyong computer.

  • Photo-editing services
Tech-savvy ka ba at mahilig mag-explore ng iba’t ibang skills at software sa computer? Maraming online jobs para sa mga freelance graphic artists ngayon! Maaari mo rin itong magamit sa negosyo ng photo editing and tarpaulin editing services.
  • Tutoring services
Magaling ka ba sa English at kaya mong magturo sa mga bata? Isa sa mga patok na online remote jobs ang pagiging ESL tutor! Kailangan mo lamang ng dedicated workplace, sipag, at pasensya, at may stable source of income ka na!

5. Printer


Printing services ang isa sa mga paniguradong patok na negosyo, lalo na kung malapit ka sa government offices, school areas, o mga business zones. Computer, printer, at paper lamang ang puhunan at mayroon ka nang negosyo! Maganda rin kung magsasama ka ng school and office supplies sa iyong mga produkto.

Hindi mo na kailangan maghanap pa ng malayo para sa iyong susunod na negosyo. Malay mo, nasa iyong bahay na pala ang iyong first step to success!

Kung naghahanap ka naman ng paraan para magsimula ng iyong sari-sari store business, mahalagang malaman kung ano ang mga dapat na products for sari sari store. Tandaan, hindi kailangan ng malaking puhunan para sa mga business na ito!

No comments:

Post a Comment